Friday, November 20, 2015

Francisco Dagohoy

Pinuno ng pag-aaklas sa Bohol
Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang pinakamahabang pag-aaklas sa kasay-sayan ng Pilipinas. Ito ay ang pag-aaklas sa Bohol na nag-umpisa taong 1744 hanggang 1829.
Nang mapatay ng isang konstable ang kapatid ni Francisco Dagohoy ay doon nag-umpisa ang pag-aaklas. Labis na dinamdam ni Dagohoy ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinunod lamang ng kanyang kapatid ang utos ni Padre Morales, isang pareng heswita na hulihin ang isang masamang tao subalit sa kasamaang palad ito ang napatay.
Sa kagustuhan ni Dagohoy na mabasbasan ang bangkay ng kanyang kapatid ay dinala niya ito kay Padre Morales para basbasan subalit tinanggihan ito ng pari sa kadahilanang humihingi pa ito ng bayad sa pagbabasbas.
Lalong nagsiklab ang galit ni Francisco Dagohoy. Sinabi niyang hindi dapat humingi ng bayad ang pare dahil namatay ang kanyang kapatid dahil sa pagsunod sa utos nito.
Hinimok niya ang lahat na mag-aklas at umanib naman halos lahat ng tao sa isla na iyon.
Inabot ng 85 taon ang pag-aklas.
Taong 1827 nang umpisahan ni Gob. Heneral Ricafort ang pagsalakay sa mga tauhan ni Francisco Dagohoy sa Bohol.
Dahil doon humina ang loob ng mga nag-aaklas. Sumuko ang mga tauhan ni Francisco Dagohoy noong Agosto 31, 1829.

Gabriela Silang (Unang Babaeng Dakilang Bayani Na Makabayan)

Si Gabriela Silang (19 Marso 1731 – 20 Setyembre 1763) ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa.
Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur). Siya ay nagpakasal laban sa kanyang kagustuhan nang siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda.
Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.
Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan interes ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong 20 Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.
Ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika na GABRIELA.

Diego Silang (Ang Dakilang Liberador Na Makabayan)



Si Diego Silang ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.
Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ni ---, kura paroko ng Vigan. Duon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.
Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal.
Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. Noong Setyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay kabilang sa Pitong Taong Digmaan.
Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Natatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang.
Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar. Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng mga ito.
Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos.
Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan.
Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni Simon de Anda at nagalok ng pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga kaibigan ni Diego, si Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit ng pabuya ng Audiencia.
Sa hatang edad na 33, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban.

LAPU - LAPU (Ang Kauna-Unahang Dakilang Bayaning Makabayan)



Simula pa lang sa ating mga ninuno ang Pilipinas ay isang lugar na matatapang at makabayan ating simulan at kilalanin si LAPU LAPU.

Sang- ayon sa kasaysayan ng ating bansa, si Lapu Lapu ay siyang itinuturing na kauna-unahang bayaning Pilipino.

Simula pa lamang sa kamusmusan, kinamalasan na siya ng bilis, katapangan, lakas ng loob at pagiging masunurin sa kanyang mga magulang na sina kusgano at Inday Putil. Naging asawa niya si Bulakna, isang magandang prinsesa na anak ni Datu Sabtano. Pinagkalooban sila ng anak na lalaki na pinangalanan bilang Sawili. Si Sawili ay lumaking tulad ni Lapu- Lapu na isang matapang na mandirigma.

Ang pagdating ni Fernando Magallanes sa Sugbu, na ngayoý tinatawag na Cebu, noong Abril 7, 1521, ay nakapagpabago sa takbo ng buhay ni Lapu- Lapu at ng kanyang mga tauhan. Siya lamang ang tanging datu na hindi kumilala sa kapangyarihan ng mga Kastila. Dahil dito ay nagpuyos ang galit ni Magallanes. Sa pamamagitan ng anak ni Datu Zula, kaawaya ni Lapu- Lapu at ni Raha Humabon, binalak ni Magallanes na lubusin ang Maktan at patayin si Lapu- Lapu.

Hatinggabi ng Abril 26 nang si Magallanes, kasama ang anim- napung sandatahang Kastilla at 1,000 kapanalig na mga Sebuanos, sa pangunguna ni Raha Humabon, ay sakay  ng mga bangkang tumungo sa isla ng Maktan. Dumating sila sa baybayinng Maktan bago magbukang- liwayway ng Abril 27. Samantala nmn, si Lapu- Lapu at ang kanyang mga kabig na binubuo ng 1,500 ay nakahandang naghihintay sa paglusob ng mga dayuhan.

Kasabay ng pagbubukang- liwayway ng araw ng Sabado, abril 27, 1521, nagsimula ang madugong Digmaa ng Maktan. Ang mga sandatahang pumuputok ng mga kastila ay hindi nakatinag sa mga mabangis sina Lapu- Lapu. Ang Pagkamatay ng maraming kawal sa magkabilang panig ay hindi nangahulugan ng pagtigil ng labanan. Nagpatuloy ang paghahamok ng espada ng mga kastila laban sa matatalim na tabak ng mga Pilipino. Tumagal ang kanilang paglalaban sa loob ng mahigit na isang oras ng si Magallanes ay tamaan ng kawayng sibat at bisig. Bagamat sugatan, nanatiling nakatayo at magiting na nakipaglaban ang pinuno ng mga Kastila. Sa pagkakataong ito, nagkaharap sila ni Lapu- Lapu. Nagpalitan sila ng taga hanggang sa tamaan si Magallanes sa kabilang hita ng matalim na tabakk ni Lapu- Lapu. Ito ang nagpabagsak kay Magallanes hanggang sa itoý tuluyang namatay.

Makalipas ang madugong labanan, hiniling ni Raha Humabon at ng ilang natirang kastila na makuha ang bangkay ni Magallanes kay Lapu- Lapu sa pamamagitan ng pagbili. Subali't ang kahilingan ay tinanggihan ni Lapu- Lapu at sa Halip ay ginawa niyang tropeo ng digma ang katawang bangkay ng pinunong puti. Tanging ang Diyos lamang ang nakabatid kung saang panig ng isla nailibing ang labi ni Magallanes.

Ang buhay at kasaysayan ni Lapu- Lapu ay nanatiling alamat sa isla ng Maktan. marami ang nagsasabing mga tagaroon na si Lapu- Lapu ay nabuhay pa ng maraming taon hanggang sa katandaan at bigla na lamang nawala at naglaho nang walang paalam sa kanyang mga nasasakupan. Karamihan sa mga matatanda roon ay naniniwala na si Lapu- Lapu ay naging isang malaking dagat- bato, na ngain ay tinatawag na Malingin, na makikita sa timog ng Puerto Engano. Kung ito man ay totoo o hindi, masasabi nating wala itong gasinong kahalagahan sa kasaysayan. Ang mahalaga ay mananatili siyang buhay sa puso ng bwat Pilipino at sa ginintuang pahina ng mga Bayani ng Lahing Kayumanggi.