Si Gabriela Silang (19 Marso 1731 – 20 Setyembre 1763) ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa.
Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur).
Siya ay nagpakasal laban sa kanyang kagustuhan nang siya ay isa pa
lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang
kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela
nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay
namatay at siya ay maagang nabiyuda.
Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang.
Magiting na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila
ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa
mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.
Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang
ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay
nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan interes ng
mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong 20 Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.
Ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika na GABRIELA.
No comments:
Post a Comment